❓ Submitted Question: Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.Ano ang kahalagahan ng liham aplikasyon?• Bakit mahalaga ang minits sa isang pagpupulong? Ipaliwanag.• Pwede bang dumalo sa isang pagpupulong/ programa ang hindi nakatanggap ng liham imbitasyon? Ipaliwanag ang sagot.
🧠Answer:
• Ang kahalagahan ng liham aplikasyon ay nagbibigay ng pagkakataon sa aplikante na maipahatid ang kanyang kakayahan, kwalipikasyon, karanasan, personalidad, at propesyonalismo sa trabaho na inaapplyan.
•Ang mga minits ay mahalaga sa isang pagpupulong dahil ito ay isang dokumentong magpapatunay sa mga naganap na usapan at desisyon. Ito ay magbibigay ng kasiguruhan, detalye, at maayos na record keeping sa mga naganap sa pagpupulong.
•Depende po sa uri ng pagpupulong o programa, yung iba hindi na kailangan na magkaroon ng liham ng imbitasyon bago makadalo. Halimbawa po, sa mga pampublikong pagpupulong tulad ng town hall meetings, kadalasan bukas po ito sa lahat ng mga taong nais dumalo. Hindi naman kailangan na magkaroon ng liham ng imbitasyon upang makapunta sa mga ganitong uri ng pulong.
Sa ibang mga pagpupulong naman po tulad ng corporate meeting. Kailangan po dito ng liham ng imbitasyon bago makadalo. Dahil para masiguro na yung mga taong naka-invite lang ang nakakaalam sa mga detalye ng pagpupulong.
In short po, kahit hindi nakatanggap ng liham imbitasyon, pwede kang dumalo sa isang pagpupulong o programa basta ito ay bukas para sa publiko. Pero kung ito naman ay isang pribadong pagpupulong o programa, hindi ka maaaring dumalo kung hindi ka imbitado.
Need help in answering your assignment/activities for free? Click here
Comments
Post a Comment